Ganda ng location at sobrang sulit. Pero sa mga maarte sa room hnd sya ganun kaganda old ung mga shower sa cr at may mga crack ung ceiling (Room 101D). Also walang towels at doormat sa room namin, naubusan daw (i think may Event that time) need humingi sa lobby. May Kayak, Island hopping, may Pool sila, Ihawan sa gusto mag ihaw. May free din na breakfast. Ung wifi mahina sa room namin, Kaya natulog nalang. May mini ref, electric kettle, TV at TV box na ewan kasi wala naman channel. Issue lang namin is ung nakasabay namin mag Check in. Group of Family, Hnd na umalis sa pool hanggang 12am, ung katabi namin hanggang 2 or 3am nag iinom,kumakanta at nag sisitawanan (note: nilipat nila ung mesa sa tapat ng pinto namin kaya rinig na rinig) we tried na sabihan sila kasi around 1am maingay na talaga. Tumahimik lang saglit tapos nag ingay na ulit sila. may quiet time ng 10pm pero wala naman nag iikot para paalalahanan sila. Nag chat kami sa FB page nila pero hanggang 9pm lang ata sila. But experience lang namin un. Overall maganda ung Place,accommodation and Syempre ung dagat malinis. Un lang sa Room kung maarte mapapansin nyo talaga un (especially 101D) Pero hnd ako magbibigay ng low star. Still 5 star pa din. Bad Experience lang sa naging Kapit bahay namin Happy Travels Everyone
Traduci